Monday, April 27, 2009

Sen. Mar Roxas gives details of his romantic proposal to Korina Sanchez



Matapos ang kumpirmasyon ng kanilang engagement, tila ready to walk down the aisle na nga sina Korina Sanchez at Sen. Mar Roxas. Sa special report ng The Buzz kahapon, idinetalye kung kailan naganap ang nasabing engagement ng dalawa. Nag-propose si Sen. Roxas noong April 12 during the reunion of his clan, ang Araneta clan sa kanilang probinsiya sa Negros Occidental at doon din ay pormal na ipinakilala ng senador sa kanyang mga kapamilya ang sikat na broadcast journalist. Pumutok naman ang kumpirmasyon ng balita sa Showbiz News Ngayon noong April 15.
Sa Wowowee live show noong Sabado (April 25) guest co-host si Korina at nagulat ang lahat ng umakyat sa stage si Sen. Roxas. “Matagal na rin kaming nagsasama, matagal na rin akong binata, akala ko talaga magbibinata ako habambuhay pero nakilala ko si Koring (palayaw ni Korina), at maganda naman ‘yung simula, sa ligawan,” pagbabahagi ng pulitiko. Inamin din niya na nung panahong iyon ay marami ang nanliligaw kay Korina at mahigpit ang kumpetisyon. “Ang alam ko lang mahal ko siya at siya y’ung nagpatigil sa pagkakabinata ko,” dagdag ng senador. Sinabi naman ni Korina na si Sen. Mar ang napili niya sa lahat ng nakapila dahil nakita niya rito ang pagiging totoo kumpara sa iba na naging dahilan upang mapaluha ang senador.
Idinetalye naman ni Sen. Mar kung paano naganap ang proposal niya sa kanyang girlfriend. “Ang setting ay nasa resort kami, at gabi. Nadidinig ‘yung hampas ng alon, at siyempre magkatabi kami. Kami lang at nagho-holding hands. Sinabi ko naman sa kanya na, ‘tayo na nga talaga ito kaya I want to formally ask for your hand in the church.’ ‘Yun lang ang naaalala ko naiiyak ako sa tuwa, eh,” anang senador. Nang hingan naman siya ng mensahe para kay Korina, naging madamdaman ang sinabi niya. “Matagal na rin tayong nagsasama at alam mo naman how I feel about you at gusto kong malaman mo na buong-buo nang loob ko. Walang kahit anong tanong sa puso ko at sa isip ko na tayo na nga habambuhay.”


Sunday, April 26, 2009

Nadine Samonte still hurting because of false accusation hurled against her


Nang magbukas ang 44th outlet ng GIBI Shoes sa Il Terrazo sa may Tomas Morato, Quezon City, ang brand endorser na si Nadine Samonte ang nag-entertain sa mga bisita kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sa pakikipag-usap kay Nadine, nabanggit nitong wala pa rin siyang bagong project sa GMA-7 after the aborted afternoon soap na Muling Buksan Ang Puso. Madalang din daw siyang mag-guest sa mga show ng network, kaya marami siyang libreng oras nang matapos ang Gagambino.

"Wala nga akong project at 'di ko alam kung mga pasaway ang gusto nila. Tuloy, gusto ko na ring maging pasaway, pero hindi, maghahanap na lang ako ng ibang paraan para magkaroon ako ng regular show uli. Wala naman akong pili sa project na ibinibigay sa akin, kahit sa hapon o primetime ilagay. Pati sa role, wala akong reklamo, bida o kontrabida, tinatanggap ko. Mas gusto ko nga ang kontrabida dahil hindi nawawala ng project, pero nawalan pa rin ako ng show," panimula ni Nadine.

Posible ba siyang lumipat o bumalik sa ABS-CBN?

"Hindi puwede, may two years pa akong exclusive contract sa GMA Artist Center. Kinukulit ko na nga ang handler ko, pero masipag naman siyang maghanap ng project para sa akin, wala pa lang talagang maibigay sa akin."

Sa TV5 ba puwede siyang tumanggap ng project?

"Bawal sa akin ang tumanggap ng project sa ABS-CBN at TV5, nakalagay sa contract ko na bawal ako kahit saang channel. Sa GMA Artist Center ako exclusive, hindi sa GMA-7. Kaya lang, nai-stuck ka dahil sa kontratang yun, dun ka na hanggang 'di ka na kilala ng tao. Kapag wala pa akong project next year, punta na lang ako ng Germany," wika ni Nadine na hindi alam ng PEP kung seryoso dahil sinundan niya ito ng tawa.

Nabalitaan ni Nadine na gagawin ni Marian Rivera ang Darna at wish nitong masama siya sa cast. Kahit kontrabida role, okay lang sa kanya at gusto rin niyang makatrabaho uli si Marian na nakasama niya dati sa Marimar.MISUNDERSTANDING AMONG CO-STARS. Kinumusta ng PEP si Nadine at ang grupo nina Isabel Oli, Jennica Garcia at Glaiza de Castro dahil nagkaroon sila ng misunderstanding after their Boracay trip na nangyari mula February 26 to March 1. Akala pala nina Isabel, si Nadine ang source ng balitang sumunod si Wesley Gonzales kay Isabel dahil siya lang daw ang may access sa press, pero sinasabi ng writer na ito na hindi ang aktres ang source at walang rason para pagdudahan ang kapatapan niya sa kanilang grupo.

"Okay naman kami, pero hindi pa kami nagkakausap after Boracay dahil may kanya-kanya kaming schedule."

Ano talaga ang rason kung bakit hindi na siya close kina Isabel, Jennica, at Glaiza?

"Sa part ko, 'pag ikaw ay napagbibintangan, masakit yun dahil friends mo sila. Ako kasi, 'pag friend ko, friend ko talaga, pero 'pag nasasaktan na ako, masama sa loob ko. Sensitive ako dahil konti na nga lang ang friends ko, tapos may mangyayari pang ganito. Hindi ko pa kayang makipag-usap sa kanila, di ko pa kayang humarap sa kanila dahil masama pa rin ang loob ko dahil di nila ako pinaniwalaan. Hindi ba ang friends dapat may trust at ipaglalaban ka? Hindi ko pa kayang humarap at magkuwento sa kanila."

Kailan siya magiging ready makipag-usap sa tatlo?

"Hindi ko alam. Space muna para makapag-isip dahil ayokong masira ang friendship namin kung mag-uusap kami na pare-pareho pa kaming hindi handa."

Disappointed ba siya sa nangyari sa friendship nila nina Isabel, Glaiza, at Jennica?

"Hindi ko maiwasan dahil may napagkuwentuhan sila na ako nga raw ang nagkuwento sa press sa mga nasulat. Narinig ko lang."

Inusisa ng PEP si Nadine kung totoo bang sumunod kay Isabel si Wesley dahil nag-deny ito sa mga kaibigan, pero ayaw namang i-retract ng source ng press ang kanyang nakuwento.

"Ayaw kong sa akin manggaling kung sumunod siya o hindi sa Boracay. No comment na lang ako para hindi na madagdagan ang isyu."

Matagal nang hindi nagkakausap at 'di nakakasama ni Nadine ang grupo nina Isabel. Feeling ba niya, nilaglag siya ng tatlo?

"Hindi ko alam kung yun ang dapat itawag. Hindi ko alam ang nangyari. Ako 'pag masama ang loob, umiiwas na lang. Gusto ko sana friends pa rin kami, pero may nabago. Sa akin na lang, happy ako sa magandang nangyayari sa buhay at career nila," pagtatapos ni Nadine.