Sa album launch ni Pops Fernandez sa Eastwood kaninang umaga, pinilit kunin ng SNN ang opinyon ng diva patungkol sa isyung binuksan ng dati nitong asawang si Martin Nievera sa panayam nito sa episode kagabi. Naging mailap si Pops sa pagsagot. Ilang beses na inulit sa kanya ang mga nakahaing tanong na sana’y magbibigay linaw sa reaksyon niya patungkol sa pakikialam ng dating asawa sa relasyon niya kay Jomari Yllana matapos ‘di umano’y hilingin nito kay Jomari na linawin ang isyu patungkol sa naging break up nila ni Pops. At dahil nga raw album launching ang event na iyon, iginiit niyang kung maaari’y panatilihin na lamang ang mga tanong patungkol sa kanyang album. “You know what, okay na yun” tugon niya sa hindi maresolbang tanong. “Basta we’re talking about the album” diin niya.
Hope ang titulo ng bagong launch na album ni Pops, na ayon rin sa kanya’y naglalaman ng iba’t ibang inspirational love songs. Nang usisain naman siya kung alin sa mga kantang nilalaman ng kanyang album ang masasabi niyang pinakapupukaw ng pinagdadaanan niya ngayon, hindi niya nagawang pumili ng isa. Ayon sa kanya, lahat raw ng mga kanta sa nasabing album speaks of what she’s going through; what she had gone through; and what she may go through in the near future.
Upang tapusin ang panayam, sinubukang hingan ng SNN ng isang maikling mensahe para sa dati nitong kasintahang inamin niyang hindi na niya nakakausap. Ngunit imbes na tugunan ang nasabing hiling, sinagot lamang niya ito ng isang ngiti bago tuluyang iniba ang topic sa pamamagitan ng biglang pagpropromote at paghihikayat sa publiko na bumili ng kopya ng bagong album niya.

No comments:
Post a Comment