Monday, April 27, 2009

Sen. Mar Roxas gives details of his romantic proposal to Korina Sanchez



Matapos ang kumpirmasyon ng kanilang engagement, tila ready to walk down the aisle na nga sina Korina Sanchez at Sen. Mar Roxas. Sa special report ng The Buzz kahapon, idinetalye kung kailan naganap ang nasabing engagement ng dalawa. Nag-propose si Sen. Roxas noong April 12 during the reunion of his clan, ang Araneta clan sa kanilang probinsiya sa Negros Occidental at doon din ay pormal na ipinakilala ng senador sa kanyang mga kapamilya ang sikat na broadcast journalist. Pumutok naman ang kumpirmasyon ng balita sa Showbiz News Ngayon noong April 15.
Sa Wowowee live show noong Sabado (April 25) guest co-host si Korina at nagulat ang lahat ng umakyat sa stage si Sen. Roxas. “Matagal na rin kaming nagsasama, matagal na rin akong binata, akala ko talaga magbibinata ako habambuhay pero nakilala ko si Koring (palayaw ni Korina), at maganda naman ‘yung simula, sa ligawan,” pagbabahagi ng pulitiko. Inamin din niya na nung panahong iyon ay marami ang nanliligaw kay Korina at mahigpit ang kumpetisyon. “Ang alam ko lang mahal ko siya at siya y’ung nagpatigil sa pagkakabinata ko,” dagdag ng senador. Sinabi naman ni Korina na si Sen. Mar ang napili niya sa lahat ng nakapila dahil nakita niya rito ang pagiging totoo kumpara sa iba na naging dahilan upang mapaluha ang senador.
Idinetalye naman ni Sen. Mar kung paano naganap ang proposal niya sa kanyang girlfriend. “Ang setting ay nasa resort kami, at gabi. Nadidinig ‘yung hampas ng alon, at siyempre magkatabi kami. Kami lang at nagho-holding hands. Sinabi ko naman sa kanya na, ‘tayo na nga talaga ito kaya I want to formally ask for your hand in the church.’ ‘Yun lang ang naaalala ko naiiyak ako sa tuwa, eh,” anang senador. Nang hingan naman siya ng mensahe para kay Korina, naging madamdaman ang sinabi niya. “Matagal na rin tayong nagsasama at alam mo naman how I feel about you at gusto kong malaman mo na buong-buo nang loob ko. Walang kahit anong tanong sa puso ko at sa isip ko na tayo na nga habambuhay.”


Sunday, April 26, 2009

Nadine Samonte still hurting because of false accusation hurled against her


Nang magbukas ang 44th outlet ng GIBI Shoes sa Il Terrazo sa may Tomas Morato, Quezon City, ang brand endorser na si Nadine Samonte ang nag-entertain sa mga bisita kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sa pakikipag-usap kay Nadine, nabanggit nitong wala pa rin siyang bagong project sa GMA-7 after the aborted afternoon soap na Muling Buksan Ang Puso. Madalang din daw siyang mag-guest sa mga show ng network, kaya marami siyang libreng oras nang matapos ang Gagambino.

"Wala nga akong project at 'di ko alam kung mga pasaway ang gusto nila. Tuloy, gusto ko na ring maging pasaway, pero hindi, maghahanap na lang ako ng ibang paraan para magkaroon ako ng regular show uli. Wala naman akong pili sa project na ibinibigay sa akin, kahit sa hapon o primetime ilagay. Pati sa role, wala akong reklamo, bida o kontrabida, tinatanggap ko. Mas gusto ko nga ang kontrabida dahil hindi nawawala ng project, pero nawalan pa rin ako ng show," panimula ni Nadine.

Posible ba siyang lumipat o bumalik sa ABS-CBN?

"Hindi puwede, may two years pa akong exclusive contract sa GMA Artist Center. Kinukulit ko na nga ang handler ko, pero masipag naman siyang maghanap ng project para sa akin, wala pa lang talagang maibigay sa akin."

Sa TV5 ba puwede siyang tumanggap ng project?

"Bawal sa akin ang tumanggap ng project sa ABS-CBN at TV5, nakalagay sa contract ko na bawal ako kahit saang channel. Sa GMA Artist Center ako exclusive, hindi sa GMA-7. Kaya lang, nai-stuck ka dahil sa kontratang yun, dun ka na hanggang 'di ka na kilala ng tao. Kapag wala pa akong project next year, punta na lang ako ng Germany," wika ni Nadine na hindi alam ng PEP kung seryoso dahil sinundan niya ito ng tawa.

Nabalitaan ni Nadine na gagawin ni Marian Rivera ang Darna at wish nitong masama siya sa cast. Kahit kontrabida role, okay lang sa kanya at gusto rin niyang makatrabaho uli si Marian na nakasama niya dati sa Marimar.MISUNDERSTANDING AMONG CO-STARS. Kinumusta ng PEP si Nadine at ang grupo nina Isabel Oli, Jennica Garcia at Glaiza de Castro dahil nagkaroon sila ng misunderstanding after their Boracay trip na nangyari mula February 26 to March 1. Akala pala nina Isabel, si Nadine ang source ng balitang sumunod si Wesley Gonzales kay Isabel dahil siya lang daw ang may access sa press, pero sinasabi ng writer na ito na hindi ang aktres ang source at walang rason para pagdudahan ang kapatapan niya sa kanilang grupo.

"Okay naman kami, pero hindi pa kami nagkakausap after Boracay dahil may kanya-kanya kaming schedule."

Ano talaga ang rason kung bakit hindi na siya close kina Isabel, Jennica, at Glaiza?

"Sa part ko, 'pag ikaw ay napagbibintangan, masakit yun dahil friends mo sila. Ako kasi, 'pag friend ko, friend ko talaga, pero 'pag nasasaktan na ako, masama sa loob ko. Sensitive ako dahil konti na nga lang ang friends ko, tapos may mangyayari pang ganito. Hindi ko pa kayang makipag-usap sa kanila, di ko pa kayang humarap sa kanila dahil masama pa rin ang loob ko dahil di nila ako pinaniwalaan. Hindi ba ang friends dapat may trust at ipaglalaban ka? Hindi ko pa kayang humarap at magkuwento sa kanila."

Kailan siya magiging ready makipag-usap sa tatlo?

"Hindi ko alam. Space muna para makapag-isip dahil ayokong masira ang friendship namin kung mag-uusap kami na pare-pareho pa kaming hindi handa."

Disappointed ba siya sa nangyari sa friendship nila nina Isabel, Glaiza, at Jennica?

"Hindi ko maiwasan dahil may napagkuwentuhan sila na ako nga raw ang nagkuwento sa press sa mga nasulat. Narinig ko lang."

Inusisa ng PEP si Nadine kung totoo bang sumunod kay Isabel si Wesley dahil nag-deny ito sa mga kaibigan, pero ayaw namang i-retract ng source ng press ang kanyang nakuwento.

"Ayaw kong sa akin manggaling kung sumunod siya o hindi sa Boracay. No comment na lang ako para hindi na madagdagan ang isyu."

Matagal nang hindi nagkakausap at 'di nakakasama ni Nadine ang grupo nina Isabel. Feeling ba niya, nilaglag siya ng tatlo?

"Hindi ko alam kung yun ang dapat itawag. Hindi ko alam ang nangyari. Ako 'pag masama ang loob, umiiwas na lang. Gusto ko sana friends pa rin kami, pero may nabago. Sa akin na lang, happy ako sa magandang nangyayari sa buhay at career nila," pagtatapos ni Nadine.

Pops Fernandez doesn’t want to comment on Martin Nievera’s statement

Sa album launch ni Pops Fernandez sa Eastwood kaninang umaga, pinilit kunin ng SNN ang opinyon ng diva patungkol sa isyung binuksan ng dati nitong asawang si Martin Nievera sa panayam nito sa episode kagabi. Naging mailap si Pops sa pagsagot. Ilang beses na inulit sa kanya ang mga nakahaing tanong na sana’y magbibigay linaw sa reaksyon niya patungkol sa pakikialam ng dating asawa sa relasyon niya kay Jomari Yllana matapos ‘di umano’y hilingin nito kay Jomari na linawin ang isyu patungkol sa naging break up nila ni Pops. At dahil nga raw album launching ang event na iyon, iginiit niyang kung maaari’y panatilihin na lamang ang mga tanong patungkol sa kanyang album. “You know what, okay na yun” tugon niya sa hindi maresolbang tanong. “Basta we’re talking about the album” diin niya.
Hope ang titulo ng bagong launch na album ni Pops, na ayon rin sa kanya’y naglalaman ng iba’t ibang inspirational love songs. Nang usisain naman siya kung alin sa mga kantang nilalaman ng kanyang album ang masasabi niyang pinakapupukaw ng pinagdadaanan niya ngayon, hindi niya nagawang pumili ng isa. Ayon sa kanya, lahat raw ng mga kanta sa nasabing album speaks of what she’s going through; what she had gone through; and what she may go through in the near future.
Upang tapusin ang panayam, sinubukang hingan ng SNN ng isang maikling mensahe para sa dati nitong kasintahang inamin niyang hindi na niya nakakausap. Ngunit imbes na tugunan ang nasabing hiling, sinagot lamang niya ito ng isang ngiti bago tuluyang iniba ang topic sa pamamagitan ng biglang pagpropromote at paghihikayat sa publiko na bumili ng kopya ng bagong album niya.


Maui Taylor admits to cosmetic enhancements

Sexy actress Maui Taylor, who bared much of her body in movies like "Hibla" and men's magazines like FHM, now bares the key anatomical parts that she had cosmetically enhanced.Her nose, chin, breasts, and tummy had undergone some retouching, the April 2002 FHM cover babe admitted while strapped to a lie detector in Sunday's "Showbiz Central," under questioning of John Lapus in the "Don't Lie To Me" segment of the weekly entertainment show.She's had some problem with her nose job that has been corrected."Ang laman na lang talaga ng ilong ko is yung tip na lang. So it's the cartilage from my ear. So yung bridge ko ngayon, it's natural already," Taylor said.["What my nose has at the tip is some cartilage from my ear. So my bridge is now natural."]Her chin – firmed up to give her roundish face more definition – also needs regular maintenance."Pinadagdagan ko nang konti. Ang problema ko lang sa kanya masyadong active yung muscle sa ilalim, so nagkakaroon siya ng folds na kailangan every three months binu-Botox siya," she said.["I had it made a bit bigger. My only problem with it is that the muscles under it are too active, so it develops folds after awhile, I need to have it Botoxed every three months."]Botox is a brand name of botulinum toxin type A, a type of toxin injected in small doses to firm up the muscles by immobilizing them, thus preventing sagging and wrinkles.In 2004, Taylor had her tummy liposuctioned, though her waistline back then was already a mean 22 to 23 inches. Now her waistline fluctuates between 24 and 25 inches, which she has no trouble maintaining."Ginawa ko I kept on working out in 2005. That's why may abs... Pinaghirapan ko yan," she said.["What I did was to keep on working out in 2005. That's why I have firm abs. I have to work hard."]As to her butt and hips, she never had to have those enhanced."Mana ako kay Mommy – malaki ang balakang. Actually, napansin ko nga, habang tumanda ako, sabi ko: 'Mommy, bakit parang lalong lumalaki ang pwet ko?" she said.["I have a big hips, like Mommy. Actually, I noticed that as I get older – and I told this to my mother: 'Mommy, why does it seem that my butt is getting bigger?'"]As to her ample bosom, she wants to have them a bit smaller now, so that they look more proportional to her petite 5-foot-2 frame."I think hindi na siya proportioned sa body ko. Siguro mga last week may papaliitan ko na siya. Mabigat eh. Sobra bigat talaga," she said.And what would be her ideal bustline?"Right now, if I'm not mistaken it's 34 B. I want it sana mga 32 C. Kasi when I get thinner, nahahalatang talagang pinagawa ko. Gusto yung natural lang talaga [ang itsura] " she said.["Right now, if I'm not mistaken it's 34 B. I want it at around 32 C. That's because whenever I get thinner it becomes obvious that I had them enhanced. I want them to look more natural."


Dingdong Dantes finally meets Marian Rivera's family

Sa unang pagkakataon, pormal nang ipinakilala ni Marian Rivera si Dindong Dantes sa kanyang lola na nagpalaki sa kanya at sa iba pang miyembro ng kanyang pamilya sa Cavite. Susunod na kaya nito ang pag-amin ng dalawa sa kung ano ang tunay na namamagitan sa kanila?Sa entertainment talkshow na "StarTalk" nitong Sabado, sinabi ni Marian – susunod na Darna ng Kapuso Network – na naging mainit ang pagtanggap ng kanyang pamilya sa aktor."Mukhang okey naman," masayang kwento ng aktres. "Kasi bilib din naman ako rito [kay Dingdong] kasi magaling talaga siyang makisama. Tsaka alam mo naman sa tao kung totoo o hindi, e totoong tao talaga si Dong…super chikahan naman sila ng lola ko, hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa."Ayon naman kay Dingdong, lalo niyang nakilala at nagustuhan ang katauhan ni Marian nang makaharap ang mga taong nagpalaki sa susunod na "Darna.""Sobrang bait nilang lahat," pahayag ng aktor. "Nakita ko kung sino ang mga taong nagpalaki sa kanya, nakita ko ang kultura sa bahay nila, so mas lalo kong na enjoy yung character niya. Dahil nakita ko yung each and every person in that house kung sino si Marian, kaya mas lalo ko siyang nakilala."Sumunod na kaya nito ang pagtatapat nina Dingdong at Marian kung ano talaga ang real score sa kanilang dalawa?"Like what I always say ayokong pangunahan ang mga bagay. Kung ang tingin ko tamang panahon na para sa mga ganyan e 'di okey. Pero siyempre hindi lang naman ako ang involve dito, kasama rin siya, hindi lang ako ang magdedesisyon nyan," paliwanag ni Dingdong.Pero nang tanungin si Marian sa tingin nito ay Dingdong na ang ideal partner sa kanya, sagot ng dalaga: "Oo naman. Kasi sa lahat ng bagay magkasundo kami, wala kaming pinag-awayan. Sa lahat, sa ugali, sa pananaw sa buhay, sa mga pinag-uusapan, okey so wala kaming problema."Ngunit papaano na ang kanilang samahan ngayong patapos na ang kanilang proyektong “Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang," at balak silang ipareha sa ibang Kapuso stars, magpatuloy pa rin kaya ang kanilang magandang pagtitinginan?"Ayoko namang magpaka-plastik pero siyempre sobrang malungkot talaga ako lalo na sa last day namin sa 'Tadyang.' Sobrang nalungkto ako at naging honest ako sa kanya, sabi ko hindi ko alam kapag hindi na ikaw ang partner ko. Pero isa lang sinigurado ko sa kanya, mami-miss ko talaga siya," pahayag ni Marian.Aminado rin Dingdong na hahanap-hanapin niya ang pagsasama nila ni Marian kasabay ng pagtiyak na magkikita pa rin sila ng maganda aktres."Hindi naman pupwede na porke’t hindi na kami nagsasama sa taping e hindi na namin itutuloy yung magandang sinimulan namin. So siyempre, hopefully kung hindi siya busy hindi rin ako busy magkaroon kami ng time na magawa yung mga dati naming ginagawa," ayon sa aktor."Siguro hindi madalas kasi may trabaho siya, ako rin may trabaho. Pero siguro kahit papaano magkakaroon pa rin ng time na magkita kaming dalawa," dagdag ni Marian

Ref: http://www.gmanews.tv/story/158578/Dingdong-Dantes-finally-meets-Marian-Riveras-family